(ni Ma. Charisse R. Miravalles)
NAGSAGAWA ng Food Safety Awareness Seminar para sa mga micro, small, at medium enter-prises (MSME) ang Department of Trade and Industry (DTI) Negosyo Center Plaridel noong ika-14 ng Hunyo 2019 sa Munisipyo ng Plaridel. Ito ay para sa mga priority industries ka-bilang na ang Agri-business and Food Processing.
Ang Food Safety Awareness Seminar ay alinsunod sa food safety regulatory system ng De-partment of Health na ipinatutupad ng Food and Drug Administration sa paghahanda at pag-poproseso ng pagkain, at tamang packaging at labeling ng mga produkto.
Ayon sa DTI, ang Food Safety Awareness Seminar ay tulong sa mga maliliit na negosyante sa munisipalidad ng Plaridel. Ito ay naglalayong maiangat ang lebel ng kanilang kaalaman sa pagnenegosyo. Tinalakay sa seminar na ito ang iba’t ibang food hazards at binigyang diin ang kahalagahan ng food safety sa mga customers at mapa-natili ang magandang reputasyon ng isang negosyo.
Nagbigay daan din ang seminar upang mapagbigay-alam sa mga negosyante ang microfinance loan program ng pamahalaan na Pondo sa Pagbabago at Pag-asenso (P3). Ang mga kalahok sa seminars na nangangailangan ng additional capital ay natulungan sa pamamagitan ng loan referrals sa SB Corporation, na siyang nangangasiwa sa P3 program.
Comments are closed.