PINANGANGAMBAHAN ngayon ng dalawang milyong magsasaka ang mga posibleng epekto ng rice tariffication law, dahil wala raw itong malinaw na safeguards. Gayundin ang saloobin ng mga miller, at maging ang mga accredited retailer at empleyado ng National Food Authority (NFA), dahil maaring maalis na ang ilang mandato ng ahensiya.
Matagal nang pinanawagan ng mga eksperto sa agrikultura na paghandaan ang araw na ito kung saan natapos ang pagpapatupad ng Filipinas ng quantitative restrictions kung saan limitado lang ang dami ng imported rice na puwedeng angkatin. Layunin ng polisiyang ito na protektahan at bigyang pabor ang ating mga magsasaka mula sa mga negosyante at bigas na galing ibang bansa. Ngunit labag ito sa World Trade Organization kung kaya’t bi-nigyan ng palugit ang Filipinas na hanggang 2017 na lamang ang quantitative restrictions.
Hindi kaya’t kaya nakararamdam ng pangamba ang ating mga magsasaka ay hindi sila naihanda ng sapat upang makipagsabayan sa mga importers. Kung hindi man sa bigas, ay sa mga high value crops na mataas ang demand sa pandaigdigang merkado. Totoong malaking kabawasan ito sa income ng mga magsasaka na nag-aani ng bigas, ngunit hindi sana ito naging problema kung noon pa ay naihanda sila na magtanim.
Ibig sabihin, mas malaki ang kita, mas may pambili rin sila ng bigas. Kung ating iisipin, bigas rin ang kakainin ng ating mga magsasaka na bibilhin din nila ng mahal.
Tila hindi na maibabalik pa ang panahon noong dekada SITENTA (70) na ang Filipinas ang pinakamalaking exporter ng bigas sa Asian countries, sunod tayo sa Tsina. Subalit dahil sa paglaki ng populasyon ng bansa, mabagal na produksiyon, conversion ng mga lupain, naging baligtad na ang sit-wasyon, tayo na ang nag-aangkat ng bigas.
Kung tutuusin, ipinilit ng nakaraang administrasyon ang 100% rice self-sufficiency na hindi naman talaga kayang abutin. Masakit mang aminin, na-pakamahal ng cost of production dito sa ating bansa na nagpapamahal din sa presyo ng bigas na ating binibili. Ang mataas na cost of production ay resulta rin ng kawalan ng impraestruktura, lalo na sa irigasyon, pati na rin ang madalas na pagkasira ng pananim dahil sa bagyo at kalamidad. Kumpara sa Thailand at Vietnam, mas mataas talaga ang cost of production ng bigas sa Filipinas. Filipino ang kawawa.
Mas mahal na raw ang presyo ng darak sa halagang 12 pesos per kilo kaysa sa presyo ng palay na binibili ng mga local trader sa ating mga mag-sasaka sa pinaka-mababang halagang 7 hanggang 8 piso bawat kilo. Mula sa pinakamataas na farm gate price na 22-pesos bago pa man ipatupad ang Rice Tariffication Law.
Layunin din ng batas na tulungan ang mga Filipino na makabili ng mas murang bigas bilang staple rice, at para labanan na rin ang epekto ng infla-tion. Ang mataas na presyo ng bigas ang mabilis na magpasipa sa mataas na implasyon.
Hindi ba’t kaya buy high, sell low ang polisiya ng NFA? Kung kaya’t nabaon ang ahensiyang ito sa limpak-limpak na utang, na taumbayan din ang nagbabayad. Ano nga ba ang pakiramdam na igisa sa sarili nating mga mantika?
Mandato ng NFA na siguruhin na mura ang bigas ngunit hindi ba’t pataas nang pataas ang presyo. Simula pa noong 2008, pinuna na ng Asian De-velopment Bank na mali ang rice distribution system ng NFA. Ayon sa pag-aaral, 25% lamang ng mahihirap ang nakinabang sa murang bigas dahil sa ito ay nabibili ng lahat. Sa pagbubukas ng bansa sa mga rice importer, maaring maging mura ang bigas dahil ang merkado na ang magdidikta ng presyo nito.
Ang bigas ay isang highly political commodity bilang staple rice ng Pinoy, ang bigas ang gamit ng mga politiko sa eleksiyon, bilang simpleng pam-bili ng boto, ang bigas din ang source ng pondo sa politika lalo na kung may involvement sa smuggling.
Napakaraming pag-aaral, napakaraming eksperto, napakaraming mga ahensiya gaya ng International Rice Research Institute, ang nagbigay ng sa-loobin kung paano ba ihahanda ang ating sektor ng agrikultura sa pagkakataong ito. Hindi ba dapat matagal na tayong nakinig?
Kung mababawasan o tuluyang mawawala ang mandato ng NFA, ang ahensyang ibinaon naman tayo at ang susunod na henerasyon sa napakalaking utang, maaring gamitin na lamang ang pondo na nilalaaan dito upang maalalayan ang ating mga magsasaka. Marami at malaki ang oportunidad na nagh-ihintay para sa kanila sa mga high value crops gaya ng kape na maari pang magbigay sa kanila ng mas malaking kita.
Kahit mismo ang ating magsasaka ay nagugutom at kumakain ng bigas. Ang dapat pagtuunan ng importansiya ay food security, galing man sa sarili nating lupa o sa ibang bansa, ang mas mahalaga ay may pambili ang bawat tahanang Filipino at walang kumakalam na sikmura.
Kung may komento o suhestiyon, maaring mag email sa [email protected] o kaya ay FB Mon Ilagan account 2.
Comments are closed.