FOOD SECURITY, CLIMATE CHANGE, RENEWABLE ENERGY TINALAKAY NI BBM SA EUROPEAN ENVOYS

FOOD security, climate change, at renewable energy ang ilan sa mga tinalakay ni President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos sa mga ambassador mula Spain, Morocco, at Germany sa magkahiwalay na meetings Martes ng umaga.

Naging panauhin ni Marcos sina Jorge Moragas, Ambassador of Spain to the Philippines, Ambassador Mohammed Rida El Fassi ng Morocco, at German Ambassador Anke Reiffenstuel sa sunod sunod na meeting sa BBM headquarters sa Mandaluyong.

Sa isang press briefing matapos ang pribadong meeting kay Marcos, sinabi ni Ambassador Reiffenstuel na bukod sa pagpapahusay sa pagtutulungan ng dalawang bansa, pinag-usapan din ang global challenges kasama ang food security at climate change.

“We exchanged (views) about the ongoing bilateral cooperation and the cooperation in the international frame in the multi-lateral formats, and discussed potentials for furthering cooperation not only on mutual interests but also to address global challenge like climate change,” pahayag ng ambassador.
Idinagdag ng envoy na ipinaalam niya sa incoming president ang patuloy na programa ng Germany para tulungan ang Pilipinas sa pagtugon sa climate change kabilang ang kanilang Euro 25 million na donasyon para sa climate change-related projects.

Tinalakay rin nila ang priority project ni Marcos hinggil sa food security.

“I informed him about the upcoming international ministerial conference on global food security, this is also against the background of the impact of the Russian war against Ukraine with regards to the challenges on global food security,” pagbibigay diin nito.

“I also underlined the importance Germany attaches to the rule of law and safeguarding human rights, and of our continued commitment to the same,” ayon pa rito.

“In this context that I also mentioned, the (continuing) German support, contribution and funding of the United Nations joint program on human rights here in the Philippines,” pagbibigay diin pa ni Ambassador Reiffenstuel.

Binanggit ng embahador na inilarawan ni Marcos ang kanyang maagang pangako sa renewable energy sa pamamagitan ng pagbanggit sa wind farm sa Ilocos Norte, at sumang-ayon sila na may pangangailangan na patuloy na palalimin ang mga talakayan dahil ito ay isang lugar ng mutual interest.