INIHAIN ni Senate Majority Leader Joel Villanueva ang resolusyon na humihiling ng legislative inquiry sa status ng food security sa Pilipinas.
Sa mungkahing Senate Resolution 385, sinabi ni Villanueva na kailangan ng holistic assessment sa lahat ng programa at polisiya ng gobyerno na may kaugnayan sa food security, kabilang ang agrikultura, pangisdaan, at nutrisyon upang matukoy ang mga kinakailangang pagsasaayos sa diskarte ng bansa.
“A more strategic and comprehensive plan, containing measurable and time-bound objectives, are necessary to further strengthen and expedite the realization of our goal,” dagdag niya.
Sinabi ng mambabatas na 25 taon mula nang maipasa ang Republic Act 8434 o ang Agriculture and Fisheries Modernization Act (AFMA) noong 1997 ngunit hindi pa rin maisakatuparan ang layunin na makamit ang food security.
“Despite efforts made by the government agencies at the forefront of achieving food security in the Philippines, particularly the Department of Agriculture, hunger incidence and the rising food prices in the country are still on alarming levels,” ani Villanueva. LIZA SORIANO