FOOD SECURITY SA PANDEMYA

karne

TUMAAS ang bilihin ng karneng baboy, manok at iba pa sa palengke, kaya naman ang mga nanay sa bahay ay dapat may alternatibo. Ito ang kasalukuyang programa ng World Association for Psychosocial Rehabilitation (WAPR) kasama ang Progressive Mason Club na magbigay ng mga impormasyon at edukasyon tungkol sa pagtatanim sa bahay. Ang bahay ay maaaring maging hardin maliit man o malaki ang espasyo. Ang mga nabubulok na basura ang simula ng punla para sa proyektong ito at ang mga pet bottles ang mga paso.

Ngayong pandemya, kailangan malakas ang katawan, kaya ang mga pagkaing pampalusog ang dapat ihain sa pamilya at higit sa lahat menos gastos dahil pipitasin lang sa bakuran. Maging wais sa araw-araw na pagkain at siguraduhin ang kaligtasan ng pamilya. Natututo ng magtanim, iwas stress pa ang hobby na ito dahil, maitutuon ang atensiyon sa mga naglalakihang mushroom o halaman sa bahay na pagkatapos ng dalawa o isang buwang pagtatanim lalo na ng kamoteng baging at kangkong ay puwede nang anihin. Disiplina sa pinansiyal ay pahalagahan lalo na ngayong pandemic.

Comments are closed.