FOOD SECURITY SUMMIT ARANGKADA SA REGION 2

ISABELA- PARA sa pagpapalakas ng agricultural industry sa rehiyon, isinagawa ang iba’t ibang aktibidad na bahagi ng Regional Food Security Summit sa Amphiteater ng Panlalawigang Kapitolyo sa Baligatan, Lungsod ng Ilagan.

Dinaluhan ito ng mga kinatawan ng Department of Agriculture (DA) Department of the Interior and Local Government (DILG) Department of Trade and Industry (DTI),National Irrigation Administration (NIA), Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) at iba pang national agencies kabilang na ang ilang state universities.

Kabilang din sa dumalo ang ilang kinatawan ng mga magsasaka, farmers cooperative, negosyante, youth at academic sector.

Pinangunahan ng DA region-2 ang nasabing aktibidad na pinamumunuan ni Regional Executive Director Narciso Edillo, sinabi nito na napag-usapan sa summit ang kasalukuyang sitwasyon ng agricultural industry sa rehiyon at ipinakita ang sitwasyon at efficiency level ng commodities gaya ng palay, mais, high value crops at livestock.

Sa kabila nito, inaasahan naman ng mga magsasaka ang pagtaas ng produksiyon ng pala at mais sa dry season dahil sa mas maganda umano ang ani ngayong cropping season.

Ang mga tinalakay sa nasabing aktibidad at napagkasunduan sa Food Security Summit ay ipiprisinta sa National Food Security Summit sa Abril 2021. IRENE GONZALES

2 thoughts on “FOOD SECURITY SUMMIT ARANGKADA SA REGION 2”

  1. 459043 94680Appropriate humans speeches must seat as nicely as memorialize about the groom and bride. Beginer sound system about rowdy locations need to always not forget currently the glowing leadership of a speaking, which is ones boat. finest man speeches brother 590712

Comments are closed.