ISABELA- PALALAWAKIN ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang ipinatutupad na Food Stamp Program (FSP) kung saan sisimulan sa lalawigang ito.
Kasunod ito ng paglagda ng DSWD Field Office 02 (DSWD FO2) ng Memorandum of Understanding (MOU) sa lokal na pamahalaan ng San Mariano, Isabela kaugnay ng pilot rollout ng FSP o ang “Walang Gutom 2027”
Pinangunahan mismo ni DSWD Usec. Edu Punay, Regional Director Lucia Suyu-Alan at Municipal Mayor Edgar Go ang isinagawang MOU signing na hudyat ng paglarga ng programa sa munisipalidad.
Ayon pa sa DSWD, napili ang San Mariano na mapasama sa pilot run ng FSP dahil isa itong Geographically Isolated Area na may mataas na pangangailangan sa food assistance.
Inaasahan namang hindi lang ang mga mahihirap na benepisyaryo ang makikinabang sa programa kundi maging ang mga magsasaka at micro entrepreneurs na makaka-partner dito.
Layon nitong labanan ang involuntary hunger sa pamamagitan ng pagbibigay ng access sa monetary-based assistance na kung saan ang mga kuwalipikado ay tatanggap ng P3,000 na halaga ng food stamp. P ANTOLIN