FOOD STOCKS SA RESTO IPAMAHAGI SA MAHIHIRAP SA BARANGAY

Rep Bernadette Herrera

HINIMOK  ni Deputy Majority Leader at Bagong Henerasyon party-list  Rep. Bernadette Herrera ang local government units (LGUs) at ang Inter-Agency Task Force for the Ma­nagement of Emerging Infectious Diseases’ (IATF-EID) na makipag-partner sa mga restaurant at fast food chain para sa pagpapakain sa mga barangay.

Ayon kay Herrera, marami sa mga restaurant ang ngayon ay pansamantalang nagsara dahil sa pinaiiral na enhanced community quarantine.

Tiyak aniyang maraming stocks ng pagkain ang mga nagsarang restaurant at para hindi masayang ay maaari itong bilhin ng gobyerno sa halagang abot-kaya na siya namang ipamamahagi  sa mga mahihirap na pamilya sa mga barangay.

Aniya, bagaman gusto ng ilang kainan ang magbigay ng donasyon ay hindi rin magawa dahil sa lugi at bagsak ngayon ang negosyo.

Kaya malaking tulong kung bibilhin ng gobyerno sa murang halaga ang mga food stock ng mga restaurant at fast food chain upang hindi masayang at kahit papaano ay makabawi sa kanilang nawalang kita sa harap ng coronavirus outbreak.

“By buying their food at cost, we ensure that supply of food is continuous in every barangay, the question of sanitation of food packs will be diminished, and we are helping the private sector at the same time,” ani Herrera.     CONDE BATAC

Comments are closed.