FOOD SUPPLEMENT NA WALANG IMPORT PERMIT NASABAT NG NAIA

food supplement

NASABAT  ng mga tauhan ng Bureau of Customs sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa nakalipas na buwan sa pakikipagtulungan ng X-Ray Inspection Project (XIP), ang iba’t ibang food supplement at dietary drink supplements gamit ang one-time-password (OTP) devices.

Unang nasakote nitong  Nobyembre  9, 2018  ang 170  botelyang food supplements at dalawang kahon ng dietary drink supplements sa loob ng Pair Cargo na tinatayang aabot sa  8,000 US dollar o katumbas ng P400,000.

Ayon sa impormas­yon, walang  maipakitang permit galing sa Food and Drug Administration ng Department of Health sa nasabing imported goods.

Dumating ang natu­rang kargamento o parcel sa NAIA sakay ng Korean Air Flight No. KE621, at pagdating sa X-ray scanning ay  nakitaan ng suspicious image  kaya minarkahan ng on-duty X-ray inspector ng “X”  na mark for verification.

Sa isinagawang physical examination ng customs examiners ay  nakita sa loob ng mga kahon ang isang daan  food at dietary supplements.

Napag-alaman na ang sinasabing kargamento ay nakapangalan sa isang Dr. Vigilanda M. Solijun ng  Misamis Oriental, at ito ay ipinadala ni Bernie Ma­nansala mula sa California.

Ang pangalawang bagahe na sinasabing naglalaman ng 58 piraso ng mga food supplement ay nasabat ng mga taga-Customs sa NAIA Terminal 3 noong Nobyembre  16 mula kay Hu Tiewie, pasahero ng Cathay Pacific Flight No. CX907.

Ayon kay NAIA District Collector Mimel Talusan, inihahanda ng kanyang mga tauhan ang kasong krimi-nal laban sa mga ito dahil sa paglabag sa Republic Act 8484 o ang  Access Device Laws, at Republic Act 10863 o ang tinatawag na Customs Modernization and Tariff Act. FROILAN MORALLOS

Comments are closed.