SUMAILALIM ang government-owned Food Terminal Incorporated (FTI) sa ‘total refurbishment’ sa layuning makapagbigay ng kinakailangang tulong sa mga Filipino agricultural producer.
“This event marks the 50th year of the company and a major 360 degrees turn on its current operations,” wika ni FTI president Ariel Buenaventura.
Sinimulan na ng FTI, magdiriwang ng ika-50 anibersaryo sa Abril 30, ang pre-celebration para sa pagbuhay rito mula sa halos pagkakasara kasunod ng divestment nito noong 2012.
Sa mga nakalipas na taon, ang mga serbisyong ipinagkakaloob ng FTI ay patuloy na umuunti sa biglaang pagsasara ng iba’t ibang postharvest services nito.
“The imminent shutdown started with the divestment of 74 hectares of its property in 2012 and the former administration’s plan not to renew the corporate life of the company in 2016.”
“We were almost closed, almost shut but light was seen at the end of the tunnel with President Rodrigo Roa Duterte’s mission to strengthen support to the agricultural sector,” wika ni Buenaventura.
Ang FTI ay nagkakaloob ng ‘accessible at modern facilities’ para sa agricultural producers upang maiugnay sa mga consumer at maisulong ang price stability.
Sa kasalukuyan, ang ahensiya ay nagkakaloob ng serbisyo sa Department of Trade Industry, Dizon Farms, Bank of the Philippine Islands at Eikobodugo. Nagsisilbi rin itong estate leasing company na nagseserbisyo kapwa sa Philippine Economic Zone Authority (PEZA) at non-PEZA properties.
Comments are closed.