Tunay na sariwang alimango, hito, tilapia, sugpo, hipon, pusit, bangus at kung anumang seafood na in season tulad ng tahong, alimasag at talaba, makikita yan sa Plaridel, mabibili ng por kilo, at pwede mong ipaluto sa paraang nais mo.
Pwedeng ihaw lang na may konting asin, pwede rin namang adobo o kahit pa may sarsa – bahala ka! Malalasahan mo ang kakaibang sariwang las ana natutunaw sa iyong dila. Sa Plaridel, Bulacan mo matitikman ang tunay na local Filipino cuisine na hindi mo pa natitikman sa buong buhay mo.
Hindi rin pahuhuli ang mga pasalubong! Try nyo lang ang pinipig suman na may buko at ang bibingka na may leche flan topping. Sobrang sarap! Affordable din ang presyo. Kaya ko talagang ubusin ang isang box. Pag-uwi ko sa Pilipinas, sisiguruhin kong dadayo ako uli sa Plaridel para bumili nito.
Mahilig ako sa Filipino desserts pero napakalayo ng Wyoming, USA sa mga Asia stores kaya sorry na lang kami. Kung gusto namin ng something Pinoy, dadayo pa sa Florida o Las Vegas para kumain sa Jollibee, o kaya naman, gagawa kami ng sinigang na ang gamit na paasim ay lemon. Pwede pasar, pero iba pa rin ang Pinoy taste. That’s one thing na hindi ko malimutan sa mga pagkain sa Plaridel, especially yung desserts. Halimbawa na lang, yung pastillas.
Meron din naman nito sa Laguna, pero iba talaga ang pastillas nila. Parang, they did something refreshing sa Pinoy desserts. May sarili silang modern o unique twist na kakaiba sa dating flavor.
Swerte kong nung pumunta kami sa Plaridel, may isang tindahang lilipat ng pwesto at buy one take one na ang paninda kaya nakamura ako. Sa iba, pwede na ang small bag ng pastillas, pero dahil may sweet tooth nga ako, big bag ang binili ko. At hindi naman ako nagsisi.
At meron pang isa! Ang Dolores Chicharon! Chicharon galore talaga! It’s so freaking delicious! Alam ko namang bad for health ito pero pwede naman siguro in moderation. Tikim-tikim lang. Konting self-indulgence ba.
Masarap din ang kanilang barquillos & pastillas.
Sa tabi-tabi, may mabibili kang siomai (dumplings) at goto with tokwa baboy (rice congee with tofu and pork). May mga restaurant na nagbebenta nito pero para sa akin, mas masarap ang sa mga sipleng gotohan. May mabibili ka ring buko pandan drink na medyo natatamisan ako, pero mas masarap na di hamak kesa soda.
Bago kami umuwi sa Makati, tinikman din namin ang ilang traditional goodies to-go tulad ng puto pao, siopao, ensaymada, at pastillas. Bumili rin kami ng salted egg sans rival na sa totoo lang, hindi ko sukat-akalaing masarap pala. Matamis at maalat na malutong. Wow!
Syempre, hindi namin pinalampas ang pasta ng sikat na Coffee Project at ang kanilang sikat na ube cake. Ito yung pinaka Starbucks sa Plaridel with a twist, kasi hindi lang kape ang mabibili. Meron din silang mushroom omelette at iba pang pagkain, strawberry vanilla frappe, at iba pa.
Sa totoo lang, ako ang may pinakamaraming nakain sa trip na ito. Pinatunayan ko lang ang akusasyon nilang meron akong stevedor appetite. Sino naman ang hindi gaganahan sa ganito kasarap na mga pagkain. Pag may oras kayo, dumayo kayo sa Plaridel, Bulacan at kayo na ang humatol. — Kaye Nebre Martin