NAGLAGAY na ang Bureau of Animal Industry (BAI) ng malalaki at mahahabang ‘foot bath’ sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ito ay bahagi ng pinaigting na monitoring ng meat products para maiwasan ang pagkalat ng African swine fever (ASF) at kasunod ng pagkamatay ng mga alagang baboy sa ilang lugar sa Luzon.
Katuwang ng BAI ang Manila International Airport Authority (MIAA) at Bureau of Customs (BOC) sa mahigpit ng monitoring ng lahat ng processed at unprocessed meat.
Ipinatutupad na ang “no meat” policy sa lahat ng terminal kung saan kukumpiskahin ang lahat ng uri ng karne, fresh, frozen at maging ang canned meat.
Ang BAI at BOC ay nakapagkumpiska na ng libo-libong kilo ng animal meat na dala ng mga pasahero mula sa ASF-affected countries.
Comments are closed.