FOOTBALL: GAYOSO PIPIRMA NA SA THAI CLUB MUANGTHONG

Jarvey Gayoso

AANIB na si Jarvey Gayoso, ang captain ng Philippine Azkals’ development team, sa powerhouse Thai club Muangthong United.

Inanunsiyo ng Azkals Development Team ang hakbang ni Gayoso, na dumating makaraang pangunahan niya ang kampanya ng koponan sa 2020 sea-son ng Philippines Football League (PFL).

“It’s not over the line yet, but it’s close and it’s an excellent move for him,” pahayag ni ADT coach Scott Cooper, na may ugnayan sa Muangthong sa pagiging dating mentor ng Thai League giants.

Nakatakdang lumipad si Gayoso sa Thailand ngayong linggo para selyuhan ang deal sa Muangthong, na four-time champions sa top flight league ng Thailand.

Ang hakbang ni Gayoso ay inaasahang makatutulong sa kanyang development bilang player, kung saan inaasinta niya ang isang puwesto sa senior national team.

Tinapos ng ADT ang PFL season na may tatlong panalo at dalawang talo.

“It’s a really good challenge for him, because he has to step up a few levels,” sabi ni Cooper patungkol sa napipintong paglipat ni Gayoso.

Si Gayoso ay nagwagi ng dalawang  UAAP titles sa Ateneo. Dalawang beses siyang naging Most Valuable Player at  Best Strike ng apat na beses.

Comments are closed.