FOOTBALL SA PSA FORUM

football-1

TATALAKAYIN ang kampanya ng CERES-Negros sa AFC Champions League sa unang session ng Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum para sa 2020 ngayong araw sa Amelie Hotel-Manila.

Ang home team ang magiging hosts sa Shan United Myanmar sa Jan. 14 sa pagsisimula ng qualifying stage ng 39th edition ng premier club football tournament ng Asia na inorganisa ng Asian Football Confederation.

Dadalo sina coach Risto Vidakovic at stalwarts Stephan Schrock at Bienve Maranon sa 10:00 a.m. session na itinataguyod ng San Miguel Corporation, Braska Restaurant, Amelie Hotel, at Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) upang talakayin ang tsansa ng Ceres sa torneo.

Makakasama nila sina bagong signees Mark Hartmann, Hikaru Minegishi, Joshua Grommen, at Arnie Pasinabo.

Ang forum ay naka-livestream via PSA Facebook page fb.com/PhilippineSportswriters Association at mapakikinggan sa delayed basis sa  Radyo Pilipinas 2, 1-2 p.m. at 6:30 p.m.

Hinihikayat ang mga miyembro ng PSA na dumalo sa forum.

Comments are closed.