FOOTBRIDGE SA MONUMENTO 1 BUWAN SARADO

AABOT ng isang buwan na isasara ang MCU footbridge dahil sa isasagawang station improvements ng Department of Transportation (DOTr) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa EDSA Busway Monumento Station ng EDSA.

Batay sa inilabas na anunsiyo ng DOTr ang pansamantalang pagsasara ng tulay ay magsisimula sa Oct. 2 Hanggang November 2, 2023 para sa mas pulido na trabaho sa isinasagawang station improvements ng EDSA Busway Monumento Station.

Sa kabila nito, hinihikayat ang mga pasahero at pedestrian na gumamit ng footbridge sa parte ng EDSA-Boni Serrano sa 5th street.

Mahigpit pa ring ipagbabawal ang pagtawid sa EDSA upang mapangalagaan ang kaligtasan ng lahat.
VICK TANES