For Mama

Jayzl V. Nebre

Paano mo ide-describe ang isang mabuting ina? Sabi nila, mabuting ina kapag mapagmahal, compassionate, endearing, kind, protective, strong, extraordinary, intuitive, caring and mindful. Sabi nila! Pero sabi ni Vilma Santos, naibigay mo na ang buong buhay mo at kaluluwa, kulang pa rin.

Tayong mga anak, marami tayong masasabiong negative at positive sa mga nanay natin. Naku, normal yon, lalo na sa growing up years. Pero kapag nagkakaedad ka na, matatanong mo rin ang sarili mo — What is so good about my mom?

Mahal naman natin talaga ang mga ina natin saan mo pa daanin. Kahit pa siya ang lagi mong kaaway noong bata ka pa. Kasi naman, siya rin ang laging andyan kahit ano ang mangyari.

Sa interview natin kay Felicisimo Barcelon Jr., isang balikbayan galing sa Canada, nalaman naming high school pa lamang pala ay mag-isa na lamang silang binuhay at pinalaki ng kanyang inang si Mrs. Anita Barcelon.

“She is caring, selfless, independent, and strong,” ani Jun. “Siya ang haligi ng buhay ko, and will do absolutely anything for her children. Nag-iisa siya.”

Agree naman ako dun. Nag-iisa naman talaga ang ating ina. Sabi nga nila, pwede kang humanap ng maraming asawa, pero ang ina, hindi pwedeng palitan. Ang ina, laging selfless. Inuuna ang pamilya bago ang sarili. Ganoon si

Ma’am Anita, o Aning sa mga kaibigan. Naging teacher siya noong kanyang kabataan ngunit mas tinutukan niya ng pansin ang pagtuturo ng tama at mal isa kanyang limang anak na lalaki at nag-iisang anak na babae, kahit pa mahirap dahil maaga siyang iniwan ng kanyang asawa. Kung hindi sana maagang iginupo ng kanser ang kanyang mister ay hindi niya kailangang mag-double time sa pagtatrabaho. Hindi rin sana kailangang mag-working students ng tatlo niyang anak habang nag-aaral sa kolehiyo.

“Masasabi kong ang mama ko ang totoongf backbone of the family,” sabi pa ni Jun. “Siya ang nagbubuklod sa aming lahat. Binibigyan siya kami ng confidence para harapin ang mundo, ngunit hindi niya pinangungunahan ang aming desisyon. Pero mino-motivate niya kaming abutin ang tagumpay. Siya ang kaisa-isang taonga lam kong hindi mag-iisip ng masama laban sa akin.”

“Ordinaryong babae lang ang nanay ko pero isa siyang superhero para sa akin,” dagdag pa niya. “Suportado niya ako sa lahat ng desisyon ko, tama man o mali. Araw man o gabi, umuulan man o mainit ang araw, andyan sya kapag kailangan namin siya. Kahit sa kanyang trabaho, meron siyang persistence, devotion, dedication, conduct na naging inspirasyon para sa aming magkakapatid. Hinahangaan ko ang kanyang kabaitan, unconditional love at matinding pasensya.”

Ngunit noong isang taon, matapos siyang magdiwang ng kanyang 97th birthday, tuluyan nang nagpaalam si Mama Aning. Sa panahong alam niyang malapit na siyang mawala ay kinausap niya isa-isa ang kanyang mga anak at sinabing “Ipinagmamalaki ko kayo.” Ipinagmamalaki rin ng Barcelon siblings ang kanilang ina, pero paano nila ito maipakikita?

Sa totoo lang, napakahirap ipakita ng pagmamahal. Kahit sabihin mo ito ng paulit-ulit, parang hindi totoo. Kaya nang hilingin sa kanila ng kababayan ng kanilang ina na mag-donate ng santo sa simbahan, hindi sila nagdalawang isip. Of course, ibibigay nila ito en memoriam of Mama Aning, ang La Pieta. Ipinakikita nito ang dalamhati ni Mama Mary dahil kay Cristo na anak niya. Defiitely, nalampasan na ni Mama Aning ang mga dalamhating idinulot ng kanyang anim na anak. Ngayon ay kasama na niya sa paraiso ang kanyang mister. Marahil, pagharap nila sa Panginoon ay nakangiti nilang irereport na nagawa nila ang kanilang tungkulin bilang mga magulang. Sana, all.

Happy Mother’s Day po.JVN