In response to Typhoon Carina, CGSS Agoncillo personnel helped evacuate families affected by the landslide due to soil erosion in Sitio Manalao, Subic Ilaya. Together with the MDRRMO, PNP, and MSWD, they forced the evacuation of the affected families and transferred them to PAGCOR socio-civic center located in Brgy. Pansipit Agoncillo, Batangas, was designated as a temporary shelter. Photo from CGSS Agoncillo facebook
UMABOT na sa 330 pamilya o 1,218 na indibidwal mula sa siyam na lokal na pamahalaan ng Batangas ang inilikas na at nananatili ngayon sa mga evacuation center.
Sa panayam kay Randy Dela Paz, spokesperson ng Regional Risk Reduction and Management Office 4A, sinabi nito na ngayon ay lalawigan pa lamang ng Batangas ang nasa ilalim ng State of Emergency ngunit tinututukan din nila ang lalawigan ng Rizal, Cavite at Laguna.
Naitala rin ang 77 power interruption sa iba’t-ibang bayan at sa kasalukuyan ay 22 pa lamang ang naibabalik ang suplay ng kuryente.
Kaugnay nito, maraming kalsada pa rin ang sarado at hindi madaanan ng mga sasakyan at ito ay ang mga sumusunod:
CAVITE PROVINCE:
-Tagaytay – Talisay Road, Brgy. Sungay West Tagaytay City, Cavite
(Right Lane Not Passable)
-Manila-Cavite Road, Brgy. Niog, Bacoor City
-Cavite-Batangas Road Brgy. Habay II, Bacoor City
(Not Passable To Light Vehicles)
LAGUNA PROVINCE:
-Rizal Bdry. – Famy – Quezon Bdry. Road
(Not Passable To Light Vehicles)
-CSCFJ Road, Brgy. Bay, Laguna
(Outer Lane Not Passable To Light Vehicles)
RIZAL PROVINCE:
-Imelda Avenue, Cainta, Rizal
-Rodriguez – San Jose – Quezon City Road
-Manila East Road
(Not Passable To Light Vehicles)
-Cainta Kaytickling Antipolo Teresa Road
(Not Passable To All Types Of Vehicles)
QUEZON PROVINCE:
-Mauban And Real Side, 5km From Mauban-Tignoan Road
(Not Passable To All Types Of Vehicles)
– Unclassified Road, Mauban-Tignoan Road, (Mauban And Real Side) One Lane Passable
Nagpapatuloy naman ang ginagawang clearing operation ng DPWH R4A upang maisaayos ang mga naturang kalsada.
Samantala, paalala ng ahensya sa mga mamamayan na maging vigilante at manatiling nakatutok sa mga abiso at babala na inilalabas ng mga awtoridad at Science Base agencies upang mapanatili ang kaligtasan ng bawat isa.
RUBEN FUENTES