MAAARING kumuha ang Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ng foreign coach para sa Philippine national basketball team kasunod ng pagbibitiw ni coach Yeng Guiao.
Si Guiao ay nag-resign matapos ang nakadidismayang kampanya ng Gilas Pilipinas sa 2019 FIBA Basketball World Cup sa China.
Sa kanilang pagdating mula sa China noong Martes ng umaga ay inamin ng mga opisyal ng SBP na wala pa silang shortlist ng coaches na pa-palit kay Guiao.
“Kailangang pag-usapan,” wika ni SBP chairman emeritus Manny V. Pangilinan, na tinanggap ang FIBA flag tanda ng turnover ng China sa hosting duties sa Filipinas, Indonesia at Japan noong Linggo sa Beijing.
Ayon kay SBP president Al Panlilio, agad nilang pangangalanan ang bagong coach ng Gilas.
Comments are closed.