PARA lumaki ang tsansa ng bowling na magwagi ng medalya sa nalalapit na 30th Southeast Asian Games, kinuha ng Philippine Bowling Federation ang serbisyo ni dating World Bowling champion Robert Andersen ng Sweden upang hawakan ang mga bowler.
“We commissioned the services of Andersen to help boost the medal campaign of the bowlers because our goal is to win many golds, silvers and bronzes,” sabi ni multi-awarded Bong Coo sa eksklusibong panayam matapos na makipagpulong kay Chief of Mission at Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William ‘Butch’ Ramirez.
Ang serbisyo ni Andersen ay hanggang SEA Games at umaasa si Coo na madadala ng Swedish coach sa tagumpay ang bowling. Hindi naging matagumpay ang kampanya ng Pinoy bowlers sa nakalipas na dalawang SEA Games sa Singapore at Malaysia.
Dahil sa mga kahihiyan at kabiguang natamo ng mga Pinoy sa SEA Games at Asian Games ay iminungkahi na magkaroon ng effective, viable, comprehensive at long sustainable programs sa Philippine Bowling Federation na pinamumunuan ni Steve Robles.
“We recommended him to Chairman Ramirez and he approved to coach the bowlers in the SEA Games. Gusto ng PSC ay kumuha kami ng foreign coach kaya kinuha namin si Andersen,” wika ni Coo.
Ang bowling ay isa sa National Sports Associations na kumuha ng foreign coach, kasama ang gymnastics, taekwondo, weight-lifting, at wushu.
“Magaling na bowler at magaling na coach si Andersen. Umaasa at kumpiyansa ako na madadala niya sa tagumpay ang ating mga bowler sa SEA Games,” ani Coo.
Pansamantalang gagampanan ni Andersen ang coaching job ni four-time World Cup of Bowling champion Rafael ‘Paeng’ Nepomuceno, na ayon kay Coo ay gustong magpahinga.
Tutulungan si Andersen nina assistant coach Engelberto ‘Biboy’ Rivera at Josephine ‘Jojo’ Canare.
Labindalawang ginto sa men’s at women’s division ang nakataya sa biennial meet na tatampukan ng 56 sports.
Ang bowling ay isang priority sports ng PSC, kasama ang archery, athletics, boxing, swimming, wushu, taekwondo, at weightlifting. CLYDE MARIANO
Comments are closed.