FOREIGN DEBT PAYMENT NG PH BUMABA ($8.68-B noong Agosto)

BUMABA ang external debt service burden ng bansa sa $8.68 billion hanggang end-August, ayon sa preliminary data na inilabas ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Base sa datos ng BSP, ang debt service burden ng bansa ay bumaba ng 3.8 percent mula $9.02 billion na naitala noong Enero hanggang Agosto ng nakaraang taon.

Katumbas ito ng mas mababang debt service burden sa gross domestic product (GDP) ratio na 3.2 percent noong end-August mula 3.6 percent sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Sa eight-month period, ang principal payments ay bumaba ng 23.3 percent sa $3.46 billion mula $4.51 billion noong nakaraang taon.

Tumaas naman ang interest payments ng 15.6 percent sa $5.22 billion sa unang walong buwan mula $4.51 billion sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Ang debt service burden ay kumakatawan sa principal at interest payments matapos ang rescheduling.

Kinabibilangan ito ng principal at interest payments sa fixed medium at long-term credits, kabilang ang International Monetary Fund credits, loans na sakop ng Paris Club at rescheduling at bagong money facilities ng commercial banks.

Ang foreign debt ng bansa ay nasa $130.18 billion hanggang end-June, tumaas ng 10.4 percent mula $117.92 billion noong nakaraang taon, at ng 1.2 percent mula $128.69 billion noong nakaraang quarter.

Sa gitna ng pagtaas, ang external debt-to-GDP ratio ng bansa ay tumaas sa 28.9 percent hanggang second quarter mula 29 percent sa first quarter.

Samantala, tumaas ang public sector external debt ng 1.2 percent sa $79.83 billion hanggang end-June mula $78.9 billion hanggang end-March.

Sa naturang quarter, ang private sector debt ay tumaas sa $50.36 billion mula $49.79 billion noong end-March, na nagresulta sa share na 38.7 percent.

Ang major creditor countries ay kinabibilangan ng Japan na may $14.25 billion, Netherlands na may $4.31 billion, at United Kingdom na may $4.17 billion.