BUMAGSAK ang foreign direct investment (FDI) noong Agosto kumpara sa kahalintulad na panahon noong nakaraang taon, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Sa datos ng central bank, ang FDI ay nagtala ng net inflow na $416 million, mas mababa sa $758 million noong 2018.
“The ongoing uncertainty in the global environment continued to dampen investor sentiment, which caused postponements in investment plans,” paliwanag ng BSP.
“Bulk of the FDI net inflows for the month were in the form of investments in debt instruments which reached $263 million,” dagdag pa ng central bank.
Ang debt instruments para sa nasabing panahon ay kinabibilangan ng intercompany borrow-ings, at lending sa pagitan ng foreign direct investors at ng kanilang subsidiaries at affiliates sa Filipinas.
Ayon pa sa BSP, bumaba rin ang net equity capital investments ng 55.3% sa $77 million mula sa $172 million.
Karamihan sa equity capital placements sa nasabing panahon ay nagmula sa Japan, United States, Hong Kong, Cayman Islands, at Singapore.
“Investments were then channeled mainly into manufacturing, real estate, financial and insur-ance, information and communication, and wholesale and retail trade industries,” sabi pa ng cen-tral bank.
Sa kabuuan, ang FDI ay nagtala ng net inflows na $4.5 billion mula Enero hanggang Agosto, na bumaba ng 39.7% mula sa $7.5 billion.