NASA $448 million ang net foreign direct investment (FDI) na pumasok sa bansa sa pagsisimula ng taon, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP)
Sinabi ng BSP na ang net inflows noong Enero ay bumaba ng 45.7 percent mula $824 million isa kaparehong buwan noong 2022.
“FDI inflows declined during the month amid global economic uncertainties and high inflation, which continued to weigh on investor decisions,” sabi ng central bank.
Ayon sa BSP, ang pagbaba sa FDI net inflows ay dahil sa pagsadsad ng net investments ng non-residents sa debt instruments, bumagsak ng 56.6 percent year-onayear sa $280 million mula $645 million.
Naitala rin ang mas mababang equity capital sa parehong comparable period, na bumaba ng 13.19 percent sa $93 million mula $107 million.
Ang top sources ng FDIs na ito noong Enero ay ang Japan, Singapore, at United States.
PNA