FOREIGN DIRECT INVESTMENTS BUMAGSAK

ADB

BUMABA ang Mergers and Acquisitions (M&As) at ‘greenfield’ Foreign Direct Investments (FDIs) sa bansa noong 2017, ayon sa Asian Development Bank (ADB).

Sa Asian Economic Integration Report 2018,  sinabi ng ADB na habang ito ang kalakaran sa Asia, ang Filipinas ang pinakaapektado sa rehiyon.

Batay sa datos, ang investments — Greenfield at Mergers and Acquisitions – sa bansa ay bumaba ng 54.8 percent sa $5.2 billion noong  2017 mula sa $11.6 billion noong 2016. Nag-ambag ito ng 3.2 percent sa kabuuang pagbaba sa rehiyon.

“While standard BOP (Balance of Payments) data only show a modest decline in inward FDI to the region, firm-level investment activity data—which provide information on mode of entry and ultimate investment ownership—show that both mergers and acquisitions (M&As) and ‘greenfield’ FDI in Asia declined abruptly in 2017,” pahayag ng ADB.

Nakasaad pa sa report na ang bansa na may pinakamalaking pagbaba sa greenfield investments, gayundin sa mergers and acquisitions sa Asia, ay ang Ka­zakhstan, na may 82.5 percent, kasunod ang  Hong Kong, China na may 78.7 percent at Myanmar na may 73 percent.

Ang bansa na may pinakamaliit na pagbaba sa greenfield investments at mergers and acquisitions noong 2017 ay ang Australia na may 18.1 percent at  India na may 27.9 percent.

Sa ASEAN 5, ang bansa na may pinakamalaking pagbaba sa investments ay ang Malaysia na may  68.9 percent, habang ang pinakamaliit na pagbaba ay naitala sa Vietnam sa 43.9 percent.

“Growing trade and investment linkages in Asia and the Pacific can be a buffer for the region against uncertainties in the global economy, the report says. However, it warns that uncertainty about trade policy could dampen the recovery in regional and global trade and damage consumer sentiment and business confidence in capital spending and investment,” sabi pa ng ADB.

Samantala, ang intraregional trade sa Asia na sinusukat ng halaga ay tumaas sa 57.8 percent ng total global trade noong 2017 mula sa 57.2% noong 2016.

“The recovery in regional trade can be attri­buted to the expansion of global value chains after a slowdown since 2012. Intraregional foreign direct investment also increased slightly to $260 billion in 2017 from $254.7 billion in 2016,” ayon pa sa report.  CAI ORDINARIO

Comments are closed.