BUMABA ang foreign direct investments (FDIs) ng mahigit sa 30% noong Pebrero dahil sa ‘uncertainties’ hinggil COVID-19, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Sa datos na ipinalabas ng BSP, ang FDI ay bumagsak ng 31.5% sa $505 million noong Pebrero, mas mababa kumpara sa $737 million net inflows na naitala sa kaparehong buwan noong nakaraang taon at sa $657 million noong Enero.
“FDI declined as uncertainties on the impact of the COVID-19 outbreak dampened investor sentiment,” sabi ng Central Bank.
Partikular na bumaba ang net investments sa debt instruments ng 26.4% sa $317 million mula sa $431 million, habang ang net placements ay nagtala ng 43% pagbaba sa $129 million mula sa $227 million.
Malaking bahagi ng equity capital placements sa nasabing panahon ay nagmula sa Singapore, Japan at United States.
Ang mga ito ay ipinadaloy pangunahin sa manufacturing, real estate, at wholesale and retail trade industries. Year-to-date, ang FDI net inflows ay bumaba ng 12.2% sa $1.2 billion mula sa $1.3 billion net inflows sa kahalintulad na panahon noong nakaraang taon.
Ayon sa BSP, ito’y dahil sa 44.1% pagbaba sa net investments sa debt instruments sa $550 million mula $984 million at sa 16% drop sa reinvestment ng earnings sa $131 million mula sa $156 million.
Samantala, lumago ang net equity capital placements sa nasabing panahon ng 162% sa $481 million mula $184 million, karamihan ay galing sa Netherlands, Singapore, Japan, at United States.
Comments are closed.