IIMBESTIGAHAN ng Senado ang pagdadala umano ng isang organisasyon ng mga foreign doctor sa Filipinas para ilegal na mag-practice ng medicine, ayon kay Senate Blue Ribbon Committee Chair Richard Gordon.
Sinabi ni Gordon na nakatanggap siya ng mga ulat na may mga Pakistani at Nepalese doctors na nagsisilbing medical consultants sa ilang government hospitals sa mga lalawigan.
“I am concerned because they are allowed to deal with patients on a one-on-one basis, they prescribe medicines. The patients hardly understand them,” wika ni Gordon.
“Are they supervised by Filipino doctors? Are they even allowed to practice medicine here? As I understand it, we only have a reciprocity principal with Japan, Spain and the United States, including ASEAN Mutual Recognition Arrangements.”
Ayon sa senador, unang nakita ng kanyang tanggapan ang isyu sa James L. Gordon Memorial Hospital, isang government medical facility sa Olongapo City.
“Una, Chinese workers ang kumokompetensiya sa mga [construction] workers natin, ngayon mga doktor na-man,” sabi ng senador.
Aniya pa, aalamin ng Senado ang lawak ng nasabing operasyon sa Filipinas.
“Under the law, only the Professional Regulation Commission is authorized to issue licenses or special temporary permit to foreign professionals who desire to practice their professions in the country under reciprocity and other international agreements.”
Comments are closed.