FOREIGN INVESTMENT PLEDGES BUMABA

FOREIGN-INVESTMENT-PLEDGES

BUMABA ang fo­reign investment pledges na ina­prubahan ng Investment Promotion Agencies (IPAs) ng bansa ng 37.9 percent sa first quarter ng 2018, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Bumubuo ito sa 7.7 percent lamang o P14.21 billion ng total investment pledges mula sa Filipino at foreign investors na nagkakahalaga ng P185 billion noong Enero hanggang Marso 2018.

Gayunman, ang foreign investment pledges ay kumakatawan sa 66.9 percent ng 33,704 trabaho na inaasahang lilikhain sa naturang panahon.

“Out of these anticipated jobs, 66.9 percent or 22,535 jobs would come from projects with foreign interest,” pahayag ng PSA.

Sa pagbaba ng foreign investment pledges, ang inaasahang malilikhang trabaho mula sa mga proyekto na may foreign interest ay bumaba ng 42.4 percent sa unang tatlong buwan ng 2018 mula sa 3,723.8 trabaho na naitala noong 2017.

Bumaba rin ng 35.5 percent ang total jobs na lilikhain ng foreign at Filipino investment pledges sa first quarter.

“Total jobs created from these pledges was expected to reach 2,706.4 jobs in the January to March period in 2018 from 4,184.7 jobs in the same period in 2017,” ayon pa sa PSA.

Ang Japan ang  top investing country ng Fi­lipinas sa unang tatlong buwan ng taon na may P7.9 billion. Nag-ambag ito ng 55.3 percent sa total foreign investment commitments.

Pumapangalawa at pumapangatlo ang Uni­ted Kingdom (UK) at Netherlands na may P1.5 billion o 10.9 percent at P878.5 million o 6.2 percent pledegs, ayon sa pagkakasunod.

Malaking bahagi ng foreign investment applications ay nagmula sa Philippine Economic Zone Authority (PEZA), na may 91.2 percent ng total foreign investment pledges sa first quarter ng 2018.  CAI ORDINARIO

 

Comments are closed.