FOREIGN INVESTMENT PLEDGES LUMOBO

FOREIGN INVESTMENT PLEDGES

TUMAAS ang approved foreign investments ng investment promotion agencies (IPAs) ng 70.4 percent sa P30.94 billion sa second quarter ng taon mula sa P18.16 billion lamang sa kaparehong panahon noong 2017.

Sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), ang pinakamala­king pinagkunan ng foreign investment commitments mula Abril hanggang Hunyo ngayong taon ay ang Indonesia sa P6.4 billion.

Nauna rito ay nagtala ang Board of Investments (BOI) ng P6.4-billion investment pledge mula sa Indonesian company PT Citra Lamtoro Gung Persada, na may 25-percent stake sa Citra Central Expressway Corp.

Ang Citra Central Expressway ang operator ng Metro Manila Skyway Stage 3 Project  na nagkokonekta sa Skyway Stage 2 sa Buendia sa North Luzon Expressway (NLEX) sa Balintawak.

Nanatili naman ang Japanese companies bilang top investors sa bansa, na nagtala ng mga proyekto na nagkakahalaga ng P5.12 billion sa second quarter ng 2018,  mas mataas ng 6.6 percent sa P4.8 billion sa kahalintulad na panahon noong 2017.

Ang iba pang top foreign sources ng investment approvals para sa IPAs sa Q2 ay ang United States na may P4 billion; Malaysia, P3.52 billion; France, P2 billion; Singapore, P1.59 billion; at China, P1.38 billion.

“Foreign investment approvals from January to June this year have remained firm with a 10-percent growth to reach PHP45.15 billion from PHP41.05 billion in the same period last year – despite economic uncertainties created by the rationalization of fiscal incentives and the proposed shift to federalism,” ayon sa PSA.

“We have to explain the real developments in the crafting of TRAIN 2 (Tax Reform for Acceleration and Inclusion Package 2). That incentives won’t be removed, and in fact being enhanced, modernized, and making it more performance-based and time bound,” sabi naman ni Trade Secretary at BOI Chairman Ramon Lopez.       PNA

Comments are closed.