INAASAHANG makahihikayat ng mga banyagang mamumuhunan kapag naisabatas na ang Corporation Code.
Ikinatuwa ni Senador Joel Villanueva ang pagratipika ng inamiyendahang Corporation Code ng Bicameral Conference Committee.
Ayon kay Villanueva, chairman ng Senate Committee on Labor, malaking bagay ito para sa mga manggagawang Filipino dahil karagdagan itong trabaho para sa bansa.
Layunin ng naturang panukala na tanggalin ang requirements na nagpapahirap sa mga foreign investor na nagiging dahilan para madismaya at mamuhunan na lamang sa ibang bansa.
Naniniwala rin si Villanueva na magandang kombinasyon ito sa Ease of Doing Business Law or Republic Act No. 11032.
Aniya, positibo ang mga senador na magreresulta ito para mapasama sa ranking ang Filipinas sa Ease of Doing Business Survey na isinasagawa ng World Bank.
Dagdag pa ng senador na ang landmark legislation nito ay makapagbibigay nang pagkakataon na makipagkompitensya ang Filipinas sa mga kalapit bansa sa larangan ng paghihikayat na makapagtayo ng negosyo ang mga dayuhang mamumuhunan. VICKY CERVALES
Comments are closed.