FOREIGN OBSERVERS SA MAY 2022 NATIONAL POLLS

comelec

NAGSISIMULA nang makipag-ugnayan ang ibat ibang bansa sa Commission on Election (COMELEC) para magpadala ng kanilang mga kinatawan bilang mga foreign observer sa gaganaping May Presidential and Local Elections.

Isa ang U.S embassy sa Pilipinas sa nakipag-ugnayan sa Comelec sa posibleng pagpapadala nila ng American obser­vers sa darating na halalan.

Ayon sa US Embassy Chargé d’affaires na naiparating na nila sa Comelec ang nasabing usapin.

Nakatanggap rin ang embahada ng mga katanungan sa ilang mga pa­ngunahing organisasyon sa US ukol sa pag-obserba nila sa nalalapit na halalan.

Kaugnay nito inihayag ng embahada na nakahanda silang makipagkoordinasyon sa Comelec para sa mga magaganap na aktibidad o programa na bubuuin kaugnay sa pagdaraos ng halalan. VERLIN RUIZ