MARAMI pang foreign telecommunications players ang nagpapakita ng interes na mag-invest sa bansa kasunod ng pag-amyenda sa Public Service Act na nagluluwag sa sektor, ayon sa Department of Information and Communications Technology (DITC).
“DICT will speed up the process of applications to anyone who wants to enter the country to offer telco services,” pahayag ni DICT Secretary Emmanuel Rey Caintic sa blessing ng bagong opisina nito sa Quezon City.
Aniya, marami na ang nagpapahiwatig at nagtatanong kung ano ang dapat gawin npara mapabilis ang proseso.
Ayon kay Caintic, ilan sa mga kompanya ay nagmula sa Europe at US.
Nauna nang sinabi ng Department of Trade and Industry (DTI) na nakipagpulong ito sa SpaceX ni Elon Musk para sa paglalatag ng Starlink satellite broadband service sa bansa.
Sinab ni DTI Secretary Ramon Lopez na tutulungan ng ahensiya ang SpaceX sa pagkuha ng permit. Naghahanap na, aniya, ang kompanya ng lugar.
Kasalukuyan nang inaayos ng SpaceX ang mga papeles nito sa Securities and Exchange Commission (SEC) at kailangan pa nito ng permit mula sa National Telecommunications Commission (NTC) at sa DICT, ayon kay Caintic.
“Sa atin naman, inaantay natin makumpleto mga papeles para makaumpisa sila maka-operate. Pagkatapos nun magtatayo pa sila earth stations, may mga ilang buwan pa silang kailanganin,” dagdag ni Caintic.