FOREIGN WORKERS PINAGSUSUMITE NG TIN NG BI

Commissioner Jaime Morente-6

PINAGSUSUMITE ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Jaime Morente ng Tax Indentification Number (TIN) mula sa Bureau of Internal Revenue (BIR) ang mga dayuhan bago mag-apply ng trabaho sa bansa.

Ang kautusan na ito ng BI  ay bilang pagsuporta sa BIR, upang makasiguro na nakako­kolekta ang pamahalaan ng buwis mula sa mga dayuhan na nagtatrabaho sa bansa.

Ang hakbang na ito ay  isang paraan upang ma-harmonized ang mga batas para sa foreign workers.

Kamakailan lang ay naglabas ng Operations Order ang BI kung saan nire-require ang mga aplikanteng dayuhan ng kanilang working visa, TIN card o  anumang katibayan ng TIN, para makasiguro na makako­kolekta ng buwis ang pamahalaan sa mga ito.

Sinabi pa ni  Morente na  hindi dapat  ikabahala ng mga negosyante ang bagong  restrictions sa pagkuha ng mga dayuhan ng Special Work Permit dahil  gusto ng pamahalaan na maprotektahan ang kapakanan ng mga Filipino.  FROI MORALLOS

Comments are closed.