IDE-DEPORT ng Bureau of Immigration (BI) ang mga dayuhan na lalabag sa ipinag-uutos ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF).
Itoy matapos makarating sa tanggapan ng BI na ilang sa foreign executives ang lumalabag sa IATF protocols habang nasa loob ng kumpanyang kanilang pinaglilingkuran.
Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente,ang foreign nationals na hindi susunod sa naturang kautusan ay malinaw na paglabag sa patakaran at kawalan ng respeto sa mga awtoridad.
“Ang mga alien who disrespect person of authority may be considered undesirable aliens, and are not welcome, at hindi kinakailangan manirahan sa bansa,” giit ni Morente.
Kaugnay nito, agad na ipinag-utos ni Morente sa kanyang mga tauhan na magsagawa ng imbestigasyon at kung kinakailangan sampahan ng kaso upang managot ang mga dayuhang lumabag sa batas. FROILAN MORALLOS
190125 660266Its remarkable what supplementing can do for your body and your weight lifting goals! 186598