PUWEDE nang pumasok sa bansa ang mga dayuhang may existing visa.
Ito ay matapos magpalabas ng resolution ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) kaugnay sa pagpapalawak ng listahan ng mga dayuhang maaaring pumasok sa Filipinas.
Sa ilalim ng IATF resolution no. 98, nakasaad dito na simula sa Pebrero 16, pinapayagan nang pumasok sa bansa ang mga dayuhan na mayroon existing visa na nauna nang hinarang bunsod ng COVID-19.
Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente kasama sa papayagan makapasok sa bansa ay ang mga dayuhan na mayroon hawak ng valid 9(g) working visas, 9(f) student visas, Special Visa for Employment Generation (SVEG), and Special Investors Residence Visa (SIRV) sa ilalim ng EO 63.
Kabilang dito, ang hindi pinabalik bunsod sa travel restriction, holders ng Special Resident and Retirees Visa (SRRV), at ang may hawak ng 9(a) temporary visitor’s visa kung may maipakikitang entry exemption document.
Gayunpaman, sinabi ni Morente na hindi lahat ng turista ay makakapasok, bagkus ang mga papayagan ay kinakailangan mag-apply ng entry exemption document sa Department of Foreign Affairs (DFA) bago makapasok sa Filipinas.
Samantalang, sa ilalim ng EO 408, ang mga Filipino o dating Filipino spouse na papasok sa bansa at maging ang nationals mula sa visa-free countries ay entitled sa balikbayan privilege. FROILAN MORALLOS
Comments are closed.