FOREMAN ARESTADO SA ENTRAPMENT OPS

arestado

NUEVA VIZCAYA – NAGSASAGAWA ng isang entrapment operation sa pangunguna ng Municipal Drug Enforcement Units at Intelligence Operative ng Solano Police Station sa pamumuno ni P/Major Ferdinand Laudencia, Chief of Police ng nasabing himpilan.

Nakilala ang suspek na si Brix Padon, 29, may asawa, isang foreman, at residente ng Poblacino Ambanguio, Nueva Vizcaya, na nasakote ng awtoridad matapos na maaktuhang nagbebenta ng baril sa Espino Street, Quirino, Solano, Nueva Vizcaya.

Kapalit ng halagang P13,000, isang magnum caliber 22 revolver ang ibinibenta ng suspek na nakipagkita sa isang pulis na nagpanggap na bibili ng nasabing baril.

Pagkatapos ng transaksiyon ay inaresto ito kasabay ng pagkakumpiska ng hindi lisensiyadong baril na may 2 bala at nakuha rin sa kanyang pag-iingat ang P13,000 boodle money, ilang drug paraphernalia, 1 cellphone at 1 pick up na kinalalagyan ng ilan pang kagamitang nakumpiska.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 (Illegal Possession of Firearms) at Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang suspek.

Dinala na sa Solano Police Station si Padon para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon. IRENE GONZALES

Comments are closed.