CAVITE – KAMATAYAN ang sinapit ng 56-anyos na foreman makaraang makoryente sa poste ng basketball court sa bahagi ng Sunshineville Subd.sa Barangay Cabuco sa Trece Mártires City kamakalawa ng hapon.
Hindi na umabot nang buhay sa General Emilio Aguinaldo Memorial Hospital ang biktimang si Antonio “Boyet” Bernardino ng Barangay Binakayan sa bayan ng Kawit, Cavite.
Base sa police report na naisumite sa Camp General Pantaleon Garcia sa Imus City, umakyat sa poste ng basketball court ang biktima upang ayusin ang kable ng koryente na nakakabit sa kanilang barracks.
Subalit, sa hindi inaasahang pagkakataon ay napahawak sa talop ng kable kaya nakoryente ang biktima.
Ayon pa sa police report, nakabitiw sa poste ang biktima kaya bumagsak ito sa sementadong court na una ang ulo kung saan pinagtulungan naman maisugod sa nasabing pagamutan pero hindi na umabot nang buhay. MHAR BASCO
Comments are closed.