PATAY ang isang foreman ng isang construction company nang sumabog ang acetylene tank na kanyang ginagamit habang nagwe-welding sa Quiapo, Manila nitong Miyerkules ng umaga.
Isinugod pa sa Jose Reyes Memorial Hospital ang biktima na si Emilio Esplago alyas ‘Bong”, foreman ng Alleway Construction dahil sa matinding sugat na tinamo sa kanyang katawan.
Sa ulat, ni Staff Sergeant Jeus Cris Jacalne ng Manila Police District (MPD)-homicide section, dakong alas-10:40 kahapon ng umaga nang naganap ang insidente sa Estero De Quiapo na matatagpuan sa Arlegui St., Brgy 385, Quiapo, Manila kung saan nagwe-welding ang biktima nang sumabog ang acetylene tank na kanyang ginagamit.
At dahil sa naganap na pagsabog, nasira din ang ilang ari-arian at kagamitan na inaalam pa kung magkano ang halaga ng pinsala.
PAUL ROLDAN