(Forensic experts kikilalanin ang mga labi) DEATH TOLL SA C-130 CRASH, 50 NA

SULU-PUSPUSAN ang retrival operation para sa pinaghahanap na black box ng Philippine Air Force C-130 Hercules cargo plane na bumagsak noong Hulyo 4 na ikinamatay ng 50 katao, kabilang ang tatlong sibilyan (on the ground) at ikinasugat ng 49 na sundalo at 17 sibilyan sa Patikul, Sulu.

Habang inamin ni Armed Forces of the Philippines (AFP) ang tulong ng mga forensic experts para kilalanin ang mga nasawi sanhi ng pagsabog at pagkasunog ng bumagsak na eroplano na may lulang 96 katao kasama ang tatlong piloto, limang crew at mga bagong sundalo na pawang fresh graduates mula sa military training.

Sa press conference ni AFP Spokesman, Maj. Gen. Edgard Arevalo, mayroon naman silang manifesto kung sino-sino ang 96 na lulan ng Cargo plane at maaari nilang pagbasehan ang dental records na available para matukoy ang mga labi.

Nakiusap naman si Defense Secretary Delfin Lorenzana na iwasan muna ang mga malisyosong ispekulasyon dahil kasalukuyang ongoing ang ginagawang imbestigasyon sa insidente.

Sinasabing malaking bagay na makuha agad ang black box o flight data recorder upang makatulong sa pagsisiyasat sa insidente lalo pa ang bagong refurbished ang nasabing eroplano.

Kailangan na madetermina umano kung bakit lumihis o lumagpas ang military aircraft sa runway.
Personal na nagtungo kahapon si AFP Chief of Staff General Cirilito Sobejana sa Sulu para personal na pangasiwaan ang imbestigasyon at tinangnan ang kalagayan ng mga biktima kabilang na ang mga nadamay na sibilyan.

“We appeal to the public to avoid speculations. We assure you that the AFP will be transparent in the conduct of investigation, panawagan ni DND Public Information Office Director Arsenio Andolong.

Nabatid na bagaman hindi brand new ang bumagsak na aircraft ay nasa magandang kondisyon ito ay may 11,000 flying hours pa ito nalalabi kaya walang katotohanan na defective ito, ayon kay Andolong.

Nasa 47 na sundalo ang nasawi at tatlong civilians na nadamay lamang nang mabagsakan, habang 49 na sundalo ang sugatan at apat na sibilyan.

Ipinag utos ni Sobejana na ilagay sa half mast ang watawat ng Filipinas sa lahat ng kampo militar sa loob ng anim na araw simula ngayon hanggang sa malibing ang sundalong nakalagak sa loob ng kampo.
VERLIN RUIZ

41 thoughts on “(Forensic experts kikilalanin ang mga labi) DEATH TOLL SA C-130 CRASH, 50 NA”

  1. 989424 619266oh nicely, Alicia silverstone is matured nowadays but when she was nonetheless younger, she could be the sex symbol of hollywood` 998082

  2. 381260 757017Howdy! Do you know if they make any plugins to safeguard against hackers? Im kinda paranoid about losing everything Ive worked hard on. Any suggestions? 946086

  3. 229465 901443Pretty section of content. I just stumbled upon your weblog and in accession capital to assert that I get in fact enjoyed account your blog posts. Any way I will probably be subscribing to your augment and even I achievement you access consistently speedily. 10048

Comments are closed.