RIZAL- INIHAYAG ni PNP Chief, Gen..Guillermo Eleazar na sasanayin ang forest rangersmatapos na mabaril ang dalawang “georeserve guard” sa Baras.
Ayon kay Eleazar nakahanda ang PNP na turuan at magbigay ng mga pagsasanay sa mga forest ranger upang magkaroon ng kakayahang maipagtanggol ang kanilang mga sarili.
Kaugnay nito , ipinag-utos na ni PNP Chief, ang pagsasagawa ng malalimang imbestigasyon hinggil sa pagkakabaril sa dalawang forest ranger na nagbabantay sa Masungi Georeserve noong Hulyo 24.
“Hindi ito ang unang insidente ng pananakot, pananakit at pagpatay sa mga forest ranger dahil ilang mga kaparehong kaso din ang naitala ng inyong kapulisan sa Palawan at iba pang lugar sa mga nakalipas na taon,” wika ni Eleazar.
Sinabi pa ng heneral na , “Dahil dito, inatasan ko na ang ating PNP Training Service na makipag-ugnayan sa DENR sa pagsasanay ng self-defense, threat detection at iba pang mga paghahanda sa pansariling proteksyon sa ating mga forest rangers sa buong bansa,”
Nabatid na mismong Masungi Georeserve Foundation ay humingi na ng tulong sa mga pulis dahil hindi ito ang unang pagkakataon na nakaranas ng panghaharass ang kanilang mga forest ranger.VERLIN RUIZ
978783 651574What a lovely blog page. I will undoubtedly be back again. Please keep writing! 287278
809789 841373Perfectly written subject material , thanks for selective info . 799724
331186 537167Depending on yourself to make the decisions can really be upsetting and frustrating. It takes years to build confidence. Frankly it takes much more than just happening to happen. 87227
621483 33452What a lovely blog page. I will definitely be back again. Please maintain writing! 354350