AGAD nilinaw ni Larry Collin, founder at chief executive officer (CEO) ng Forex Trading Philippines, na hindi investment company ang kanilang binuong training company.
Ayon kay Collin, hindi sila konektado sa Forex companies na naglipana sa Mindanao at nag-aalok ng investment na may nag-uumapaw na 500 percent interest rate.
Sinabi pa niya na sila ay isang foreign exchange educational resources na nagsasagawa ng mga libreng trading trainings, seminars at workshops.
Hindi rin, aniya, nila trabaho ang mag-alok ng anumang investment kaya hindi rin sila tumatanggap ng anumang bayad para rito.
Nauna rito ay pinaalalahanan ng Securities and Exchange Commission (SEC) ang publiko laban sa pagpasok sa Foreign Exchange (Forex) trading sa Filipinas bunsod ng mga reklamong kanilang nata-tanggap kaugnay sa mga investment schemes, partikular mula sa bahagi ng Mindanao. BENEDICT ABAYGAR, JR.
Comments are closed.