Forgive & forget, yes pero hanggang dun lang — Kathryn Bernardo

LAGI  raw nagpapatawad si Kathryn Bernardo sa mga taong nagkakasala sa kanya. Naniniwala siyang dapat itong gawin para sa pansarili niyang peace of mind at hindi para sa taong nagkasala sa kanya.

Pero hindi raw ibig sabihin nito na porke pinatawad niya ay makababalik ito sa dati. Dapat raw, alam ng taong nagkasala na nang gawin niya yung ginawa niya ay may consequences, at isa na nga doon ang pagbabago ng kanilang relasyon, kaibigan man or otherwise.

Hindi raw yung relasyon niya kay Daniel Padilla ang tinutumbok niya kundi pangkalahatan – sa lahat ng taong may nagawang kasalanan sa kanya.

Tama naman siya. You forgive, not because that person deserves it, but because you deserve to have peace of mind.

Kung hindi niya mapatawad ang sarili niya, bahala siya sa buhay niya, di ba? Basta ikaw, napatawad mo na siya.