FORMER EB HOST JULIA CLARETE TAHIMIK SA BUHAY-PAMILYA SA MALAYSIA

NA-MISS ng kanyang fans si Julia Clarete sa Eat Bulaga. Matagal na rin siyang wala sa noontime showhot shots dahil mas pinili ng TV host/actress na mamuhay na lang sa Malaysia sa piling ng anak at asawa.

Tahimik na ikinasal si Julia sa Irish boyfriend na si Gareth McGeown noong July 2017 at nagdesisyon na iwan nang tuluyan ang showbiz career sa ating bansa para makasama ang pamilya.

Sa Instagram account nga ni Julia ay ina-update niya ang kanyang followers para ipakita na okey at ayos naman ang kanyang pamumuhay sa Malaysia.

Sa tagal na niyang naninirahan sa naturang bansa ay natuto na rin siyang magsalita ng Malay at ngayon ay pinag-aaralan naman niyang magsalita ng French.

Dahil marami ring naninirahang Pinoy sa Malaysia ay parang nandito rin siya sa ating bansa dahil sa ipinapakitang suporta sa kanya ng mga kababayan nating naninirahan at nagtatrabaho na rin sa Malaysia.

Dahil isa nang nanay si Julia kaya siya na rin mismo ang nagpupunta sa grocery para mamili at namamalengke kasama ang kanyang anak. Malaya siyang nakakalakad nang mag-isa na walang gumugulo.

Siya na rin mismo ang naglilinis sa kanilang bahay at nagluluto ng kanilang kakainin sa araw-araw dahil wala siyang kasambahay o katulong.

Kamakailan lang ay binigyan ng karangalan si Julia ng Philippine Embassy sa Malaysia dahil sa kanyang “Invaluable support to the Alternative Learning Initiative for Filipino children in Sabah.”

Pero aminin man o hindi ni Julia ay may araw na siguradong hinahanap-hanap din niya ang giling ng camera at pagho-host sa isang programa.

Who knows, one day ay biglang dumating si Julia sa bansa para muling balikan ang showbiz career.

BONG REVILLA MADAMDAMIN ANG POST SA SOCIAL MEDIA   

BONG REVILLAMARARAMDAMAN mo ang lungkot sa larawang ipinost ni former Senator Bong Revilla sa kanyang Facebook account kamakailan. Nakaka-touch din ang caption niya at damang-dama mo na galing sa kanyang puso.

Sinabi ni Senator Bong apat na taon na siyang nakakulong at ang dami nang na-miss na milestones ng kanyang mga anak na hindi na niya magagawang balikan.

“Today is exactly my 4th year in prison. This is 4 years  away from my family; missing out on the milestones of my children`s  lives; 4 long years that I can no longer get back.

May mga panahon na dumating sa akin na talagang gusto ko na sumuko. Pagod na rin po ako. Pagod na pagod na…Gayunpaman, higit akong kumukuha ng lakas ng loob sa inyo at ibayong tiwala sa Panginoon na matatapos na rin naman lahat nito.

Let us all continue to pray together. God is good!” ang caption ni Bong.

Marami ang nagpaha­yag ng kanilang suporta at prayers kay former Senator Bong sa comment section na siyang nagbibigay ng lakas ng loob sa kanya.

Napaka-touching nga ang comment ng isang cancer patient.

“Magkaiba lang ang ating sitwasyon, senator. Ikaw ay nakapiit; ako naman ay may cancer (thoracic). Daig ko pa ang iyong kalagayan dahil nasa laya man ay hindi ko naman ma-enjoy ang buhay dahil sa ganito. Ipagdasal natin Sir. ang bawat isa na nawa`y pareho na tayong makaligtas. At sana makita ko kayo agad sa inyong paglaya. Ingat po,” ang comment ng isang netizen na sigurado nakadagdag ng encouragement kay Senator Bong.

At sana naman ay mabigyan na pagkakataon na makapagpiyansa si Senator Bong. Marami ang nagtatanong kung bakit tila raw ginigipit pa rin hanggang ngayon si Senator Bong para makapagpiyansa.

Comments are closed.