FORMALLY ay naging isang Kapuso talent na ang dating Hashtag member at Kapamilya na si Jon Lucas. Kamakailan kasi ay pumirma na siya ng exclusive contract sa GMA-7 at talent na rin ng GMA Artist Center kasama rin ang mga baguhan na sina Ana de Leon, Faith da Silva at Liezel Lopez.
Say ni Jon noon pa man ay nais na niyang mag-try ng kanyang showbiz career sa ibang istasyon pero bigla daw dumating ang offer na maging isa siya sa member ng Hashtag kung kaya naunsiyami ang kanyang plano. Pero pagkatapos ng ilang taon din naman na bisi-bisihan sa mga proyekto ay biglang naging mabagal na ang dating ng work kay Jon at dito nga ay tuluyan na siyang nag-decide na ituloy na ang matagal na rin naman ang matagal na rin niyang balak, ang maging isang Kapuso.
At tila sobrang lucky naman ni Jon sa kanyang paglipat, bukod pa sa pagiging isang Kapuso na ay ang kauna-unahang proyektong gagawin niya sa GMA-7 ay mapasabak sa teleserye ng isa sa idol niya sa showbiz na si Dingdong Dantes sa Pinoy adaptation ng “Descendant of the Sun”.
Say ni Jon nakalakihan na raw niyang mapanood si Dingdong at dahil na rin sa husay ng actor sa acting ay naging idol niya ito. Para kay Jon, isang malaking hamon na mapabilang siya sa teleserye ng idolo.
GABBI GARCIA FEELING WEIRD SA PAGSASAMA NILA NG BOYPREN
ANYTIME soon ay sisimulan na ni Gabbi Garcia na mag-promote ng kanyang bagong pelikulang ginawa, ang “LSS” kung saan ay maka-katambal niya for the first time ang rumored boypren na si Kapamilya actor Khalil Ramos.
Ani Gabbi, kung ang ibang magkarelasyon ay nagiging at home habang gumagawa ng movie na magkasama, para kay Gabbi ay nahihirapan siya na makatambal ang boypren sa movie lalo pang dagdag pahirap kay Gabbi ay ang kanyang role na kung saan ay in character talaga siya, isang aspiring artist.
Say pa ni Gabbi, parang tunay na pangyayari sa buhay niya ang kanyang isinasabuhay sa pelikula, tapos nandu’n pa ang kanyang boypren parang halaw sa totoo niyang buhay ang pelikula kung kaya nawe-werdohan ang Kapuso actress.
Say pa rin ni Gabbi, masaya siya na mapapabilang sa Pista ng Pelikulang Pilipino ang first movie nila ng kanyang rumored boypren, ang “LSS”. Sa ngayon habang wala pang teleseryeng ginagawa si Gabbi sa GMA-7 ay bisi-bisihan naman ang kanyang byuti sa “Studio 7” kung saan ay isa siya sa regular host dito at nailalabas niya rin ang kanyang singing and dancing talent.
Comments are closed.