(Former solon and justice committee chair to lawyer for FLAGG) DEFENSOR FACES OFF WITH LEONEN

Leonen

DATING mambabatas na beterano sa larangan ng pagkapanalo sa impeachment complaints laban sa “impeachable officials” ng pamahalaan ang punong abogado ng mga kaso ni good governance advocate Edwin Cordevilla laban kay Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen.

Sa unang araw ng pagdinig ng justice committee ng Kamara de Representantes ngayong araw, Mayo 27, si Atty. Matias “Mat” Defensor, Jr. ang “lead counsel” ni Cordevilla.

“Pro bono” ang pagiging lead counsel ni Defensor.

Bago maging kongresista noong 2004, itinuturing na “higante” si Defensor sa legal profession.

Nagtapos siya ng abogasya sa College of Law sa University of the Philippines (UP).

Si Atty. Defensor ay naging kinatawan ng ikatlong distrito ng Quezon City noong 2004 hanggang 2007.

Muli siyang naging kongresista noong 2007 hanggang 2010.

Bilang mambabatas, naging pinuno siya ng justice committee.

Ang justice committee ang humahawak at nag-aapruba ng impeachment complaints.

Sa komiteng ito tinatalakay at pinagpapasyahan ng mga kongresista kung mayroong “form” at “substance” ang reklamo laban sa impeachable official ng pamahalaan.

Bilang dating chairman ng Committee on Justice at matikas na abogado, kabisado ni Defensor ang ‘estratehiya’ at ‘taktika’ kung paano ipapanalo ang impeachment complaint laban kay Leonen.

Si Atty. Lorenzo “Larry” Gadon ay mananatiling bahagi ng legal team ni Cordevilla, bilang katuwang ni Defensor.

Sa lakas ng pangkat ng tagapagtanggol ng secretary-general ng Filipino League of Advocates for Good Governance-Maharlika (FLAGG-Maharlika) na si Cordevilla, asahan nang mapapalaban nang todo ang mapipiling abogado ni Leonen.

Kumbinsido si Defensor na “siguradong mananalo” ang impeachment complaint ni Cordevilla upang litisin si Leonen sa Senado.

Idiniin ni Defensor na sa isyu pa lamang ng paglabag sa Statement of Assets, Liabilities and Net worth (SALN) ay dapat nang tanggalin sa  Korte Suprema si Leonen dahil labinlimang ulit itong hindi naghain ng kanyang SALN bilang miyembro at dekano ng College of Law sa UP. Itinuro niyang batayan ang pagkakatanggal ni noo’y Chief Justice Renato Corona bilang punong mahistrado ng Korte Suprema dahil dalawang beses na hindi nagsumite ng kanyang SALN.

Natanggal din si Maria Lourdes Sereno mula sa pagiging punong mahistrado noong 2018 dahil anim na ulit itong hindi nagpasa ng kanyang SALN habang propesor sa College of Law sa UP.

Ang punto ni Defensor ay matibay na batayan ang pagbabalewala sa SALN.

Bukod sa krimen sa SALN, tinukoy rin ni Defensor ang “culpable violation of the Constitution” at “betrayal of public trust” na mga kasong isinampa ni Cordevilla kay Leonen.

Isinampa ni Cordevilla ang impeachment complaint sa Kamara noong Disyembre 2020 na agad inendorso ni Ilocos Norte Rep. Angelo Barba dahil kumbinsido siyang sapat sa porma at sustansiya ang reklamo. Matatandaang idiniin ni Deputy Speaker Rufus Rodriguez na magpopokus ang mga miyembro ng justice committee na pinamumunuan ni Leyte Rep. Vicente Veloso sa detalye ng mga ebidensiya ng impeachment complaint laban kay Leonen at hindi sa atraso nito sa ibang tao at kumpanyang nakapila pa sa Korte Suprema ang kaso ilang buwan mula nang italaga siyang mahistrado ng mataas na korte noong Nobyembre 2012.

4 thoughts on “(Former solon and justice committee chair to lawyer for FLAGG) DEFENSOR FACES OFF WITH LEONEN”

Comments are closed.