NAGPAHAYAG ng buong pagsuporta ang isang ranking leader ng Kamara sa panukalang magpatupad ng apat na araw lamang na pasok sa hanay ng mga manggagawa kapwa sa private at government sector.
Binigyang-diin ni House Committee on Natural Resources Chairman at Cavite Rep. Elpidio ‘Pidi’ Barzaga, Jr. na hindi lamang bilang solusyon sa lumalalang trapiko ang naturang mungkahi, bagkus ay marami ring positibong bagay ang maidudulot nito.
Ayon sa kongresista, kabilang sa mga ito ay ang matitipid sa konsumo sa gasolina o krudo ng mga motorista at maging gastos sa pamasahe ng mga commuter dahil luluwag ang daloy ng mga sasakyan sa lansangan at bawas din ng isang araw ang pasok sa trabaho ng mga empleyado kada linggo.
Ani Barzaga, magkakaroon din ng savings ang goverment at private workers sa kanilang budget para sa pagkain at damit o uniporme.
“On top of these all, the well-being of the employees will be cared for as there are studies showing that compressed workweek is highly correlated with productivity,” aniya.
“In fact, employees working in said scheme showed improvements in job satisfaction, teamwork, work/life balance and company loyalty. Employees also experienced less stress and higher levels of happiness,” dagdag pa niya.
Sinabi ni Barzaga na sa ilalim ng 4-day work plan, magiging tatlo ang rest days ng mga manggagawa kung kaya mas magkakaroon sila ng quality time sa kani-kanilang pamilya at mabibigyan ng dagdag na oras din ang mga ito para mapagtuunan ng pansin ang iba pang produktibong bagay na maaari nilang gawin.
“Indeed, it is about time to enforce a doable solution to traffic which can work both ways— easing the traffic and promoting the wellbeing of employees.”
Sa kanyang bersiyon ng four-day work schedule, nais ni Barzaga, na naging three-termer mayor din ng Dasmariñas City, na pumasok ang government employees mula Lunes hanggang Huwebes, mula alas-7 ng umaga hanggang alas-6 ng gabi at may 12:00nn-1:00pm break.
Ang mga nagtatrabaho naman sa private sector ay Martes hanggang Biyernes ang pasok sa kahalintulad ding oras.
“This means office hours will run from 7AM to 12NN and 1PM to 6 PM, or a total of 10 hours a day for four days, thus meeting the required 40 hours of work per week among employees,” paliwanag pa ni Barzaga.
“Under this scheme, the traffic volume on Mondays and Fridays will be minimized since there will be less employees coming to work on these days. On Monday, no employees from the private sectors and on Fridays no government employees will come to work.” ROMER R. BUTUYAN
Comments are closed.