BATANGAS- PINASINAYAAN ang isang bagong sports arena na ipinangalan sa yumaong National Artist Fernando Poe Jr. sa San Jose nitong Linggo.
Ang pagbubukas ng FPJ Arena sa Barangay Dagatan ay kasabay ng 84 taong kaarawan ng King of Philippine Movies.
Kabilang sa mga dumalo sa event sina Sen. Grace Poe at anak nitong Brian Poe Llamanzares, Batangas Governor Hermilando Mandanas, Representatives Ralph Recto at Lianda Bolilia at San Jose Mayor Ben Patron.
“We are humbled and grateful to the San Jose local government unit and the entire Batangas province for naming this arena before my father, FPJ,” pahayag ni Poe.
“Mula sa FPJ Productions basketball team na binubuo ng ilang kasamahang artista at production crew, sinong mag aakala na ang isang sports arena pala ay ipapangalan sa kanya,” dagdag niya.
“Maging simbulo sana ang arena na ito ng pagkakaibigan at pagtutulungan gaya ng mga katangian ni FPJ na ating hinangaan,” saad pa ng senadora.
Sa seremonya, iprinisinta ng mga lokal na opisyal ang isang ordinansa na nagdedekalra sa mga tagpagmana ni FPJ at yumaong Susan Roces bilang “Adopted Family” ng San Jose.
Sinundan ito ng paggawad ng symbolic key kay Sen. Poe at sa kanyang pamilya. VC