LUSOT na sa ikatlo at huling pagbasa sa Senado ang panukalang batas na ipangalan sa namayapang hari ng pelikulang Pilipino na si Fernando Poe Jr. ang Roosevelt Avenue sa Quezon City.
Sa ginanap na botohan, 22 ang bumoto pabor sa pag-apruba sa panukala na layuning kilalanin ang kontribusyon sa bansa ni FPJ, na pumanaw noong 2004.
Nag-abstain naman si Senador Grace Poe, anak ni FPJ, dahil sa conflict of interest.
Ang panukala ay isinulong ni Senador Lito Lapid, isa ring aktor, na unang inirekomenda na ang Del Monte Avenue ang ipangalan kay FPJ, kung saan nakatayo ang kompanya nito.
Pero inirekomenda ni Senate President Tito Sotto, na amyendahan ang panukala, at sa halip ay ang Roosevelt Avenue ang ipangalan kay FPJ dahil sa naturang lugar lumaki ang namayapang aktor.
Bukod dito, may malalim na bahagi ng kasaysayan ang San Francisco del Monte District na itinatag noon 1590 ni Fr. Pedro Bautista.
“Retain the name Del Monte Avenue, a landmark and witness to many historical events dating back to the 1590s, and preserve the living traditions of San Pedro Bautista, a saint who actually walked the streets of San Francisco del Monte,” ayon sa pahayag noon ng Basilica Minore de Santuario de San Pedro Bautista
Ang Roosevelt Avenue ay ipinangalan kay dating US president Franklin Delano Roosevelt
33265 495479Hello! Nice post! Please do maintain us posted when we can see a follow up! 553485
600664 266817Directories such given that the Yellow Websites want not list them, so unlisted numbers strength sometimes be alive more harm than financial assistance. 484053