Akala ni Mark Zuckerberg, si Priscilla Chan lang ang may statue? Wrong mistake, dahil ipinagpatayo ng Bronze statue ng mga taga-San Jose, Batangas si ‘Da King’ Fernando Poe Jr. Yes, mas mahal yung kay Priscilla, $20,000 but it’s the thought that counts.
Ang unveiling ng statue ni Da King ay isinabay sa kanyang kaarawan noong August 20, at dinaluhan naman ito ni Sen. Grace Poe at ng kanyang anak na si Brian Poe Lamanzarez, na chairperson ng Panday Bayanihan Foundation.
Sa pagpapasinaya ng estatwa ng yumaong National Artist na si Fernando Poe Jr (FPJ) sa FPJ Sports Arena sa San Jose, Batangas, ipinagdiriwang din ang 85th birthday ng tinaguriang “King of Philippine Movies.”
Ikumpara sa jade and silver statue ni Priscilla Chan, siguro nga ay napaka-cheap ng bronze statue ni Da King, ngunit si Zuckerberg lang at pamilya niya ang nagmamahal sa kanya. Si Da King, milyong mga Filipino — at alam naman ninyo kung magmahal ang Pinoy, wagas!
Well-appreciated talaga ni senator Poe ang statue. Ayon sa kanya, ipinaaalala nito sa kanya ang mga pangarap ng kanyang ama para sa mga Filipino.
Ang statue umano ang physical reminder na andyan si FPJ para sa mga Filipino, sa mga fans, at sa mga bibisita sa Batangas. “Lagi siyang magsisilbing inspirasyon ng pagtulong at paggawa ng mabuti sa kapwa,” ayon sa senador.
Ang estatwa ay nililok ni Jordan Mendoza ng Pasig City. Mas mataas ito sa totoong FPJ, at nakatayo pa sa ibabaw ng stone platform.
Pinintahan ito ng cast metal, at kuhang kuhanang signature stance ni FPJ sa kanyang jacket at pantalon, na may baril pang nakasilip sa holster sa kanyang baywang, Kasama pa ang konting kurot sa noo.
“Makikita rin sa statue na nasa gilid ‘yung kamay nya sa may lalagyan ng baril. Pero ang sabi ng mga nakausap natin, nagpapakita raw ito na nakahanda siyang bumunot, hindi ng baril, kundi ng tulong para sa ating mga kababayan,” dagdag pa ni Poe.
Ronald Allan Kelley Poe ang tunay na pangalan ni FPJ, na isinilang noong August 20, 1939 at namatay noong December 14, 20O4 habang naghihintày ng resulta ng kanyang protesta sa eleksyon kung saan tumakbong siyang pangulo ng bansa.
Sinasabing siya ang nanalo at hindi si dating pangulong Gloria Macapagal Arroyo.
Sa ika-8 taon ng kanyang kamatayan, ginawaran si FPJ ng posthumous National Artist medal ng pumalit kay Arroyo na si President Noynoy Aquino III noong in August 2012, by virtue of Proclamation 435.
Ibinibigay rin sana ito ni Arroyo noong 2006 na siya pa ang pangulo, ngunit tinanggihan ito ni Susan Roces, ang legal na maybahay ni FPJ bilang protesta sa umano’y pandaraya sa resulta ng eleksyon.
May statue rin si FPJ sa Roxas Boulevard na ipinakita sa madla noong December 2012, sa ika-8 anibersaryo ng kanyang kamatayan. At sa Quezon city, mayroon ding Fernando Poe Jr. Boulevard.
RLVNY