FPJ, NAG-IISANG HARI NG PELIKULANG FILIPINO

Mahaba at napakatagumpay ng career ni Fernando Poe, Jr bilang action star, kung saan tinawag siyang “Da King” (“King of Philippine movies”). Sumulat din siya ng screenplay, naging direktor at producer ng napakaraming pelikulang siya rin ang bida — gamit ang mga pseudonyms na Ronwaldo Reyes at D’Lanor.

Sikat na artista rin ang ama ni FPJ, si Fernando Poe Sr., na nagmula sa San Carlos City, Pangasinan. Anim ang anak niya kay Elizabeth “Bessie” Gatbonton Kelley (November 8, 1918 – March 2, 1999) na Mula naman sa Pampanga. Panganay nila si Elizabeth (Liz) at panganay na lalaki naman si Ronald Allan (Ronnie or FPJ).

Namatay si FPSr noong 15 years old pa lamang si Ronnie, na 3rd year high school noon sa San Beda College. Huminto siya sa pag-aaral upang mag-artista para suportahan ang mga panga­ngailangan ng pamilya.

Hindi si Ronnie ang tunay na Fernando Jr., kundi ang nakababata niyang kapatid na si Andy, ngunit ginamit niya ang Fernando Poe Jr bilang screen name dahil may name recall na ang Fernando Poe.

Dahil huminto nga sa pag-aaral si Ronnie, pinilit niya ang mga nakababatang Kapatid na sina Andy, Genevieve (Jenny), Fredrick (Freddieboy), at Evangeline (Eva) na makatapos ng pag-aaral.

Naging asawa ni Ronnie Poe ang isa pang sikat na artistang si Susan Roces ngunit hindi sila nagkaanak. Inampon nila ng legal si Senator Grace Poe noong sanggol pa ito at itinuturing na tunay na anak.

May dalawang biological kids si FPJ — Si Ronian na anak niya sa da­ting actress na si Anna Marin; at si Lourdes Virginia Moran Poe a.k.a. Lovi Poe na anak naman niya kay Rowena Moran, na co-star niya sa pelikulang Kapag Puno Na ang Salop (1987).

Mag-isang pinalaki ni Moran si Lovi.

RLVN