INIAALAY y ni Coco Martin ang award na nakuha kamakailan ng Batang Quiapo kina Jaclyn Jose at Deo Endrinal na kapwa sumakabilang buhay na.
Ani Coco, maraming supporters at viewers ang mga scenes na jasama nila si Jacklyn, lalo na nang namatay ito at may mga scenes pa ring kasama sya.
Dagdag pa niya, naging napakabait nito sa kanya at sa lahat ng staff, at tumayo itong ina sa kanilang lahat. Kaya umano iniaalay niya ang award sa kanya.
“Para ito Kay Mama Jane,” ani Coco. Mary Jane Guck ang tunay na pangalan ni Jaclyn Jose.
Alay diumano kay Deo Endrinal na naging napakabait rin sa kanila.
Si Jaclyn ay pumanaw sa edad na 60 noong March 2, 2024 at si Deo naman ay nawala sa edad ring 60 noong February 3, 2024.