FR. DAVID BUENAVENTURA, SDB

FR DAVID BUENAVENTURA

Batang lalaki ang higit na nakapagsasalita ng tungkol sa kinabukasan. Limitado naman ang nakikita ng matatandang lalaki sa kinabukasan kaya’t nagbalik-tanaw at nagkukuwento tungkol sa nakaraan. At ang pagbabalik-tanaw naming iyon ng aking companion ay nangyari noong nakaraang Mayo 24, 2018, habang ipinagdiriwang namin ang golden anniversary bilang Salesians of Don Bosco.

Sa pagbabalik-ta­naw sa nakaraan, nakita ko ang kagandahan ng Diyos sa lahat ng magagandang pangyayari sa aking buhay, na ang ipinahiwatig ay nakalaan akong mag­lingkod sa Kanya. Matinding pasasalamat at kagalakan ang tugon ko sa special predilection ng Panginoon. Ang pangalan ko ay David.

Ayon sa aking ina, ibinase niya ang pa­ngalan ko sa isang sikat na radio announcer na may golden voice, si Ben David. Pero nga­yon, may higit na akong kaalaman. Ang David sa Hebrew ay nanga­ngahulugang, “Beloved of God,” akmang pa­ngalan sa taong nakalaan upang maging priest of the Lord. Ang surname ko ay “Buenaventura,” o “good fortune”.

Nagmula ako sa malaking pamilya na may 8 na lalaki at 1 na babae. Hindi ko naisip na papasok ako sa kongregasyon na ang specialization ay edukas­yon ng kabataan, higit sa lahat, kalalakihan. Dalawang lalaki lang kami sa klase noong ele­mentary grades, lahat na ay babae. Pinaiiyak ko ang mga kaklase kong babae. Walang katuturang experience, hanggang sa magtrabaho ako sa Japan at maki­tang ako lang ang nag-iisang lalaki sa grupo ng mga kababaihan. Sa pagkakataong ito, pinaiiyak nila ako dahil sa mga problema nila  bilang entertainers. Makatatlong beses kung inisip na iwan na ang pagiging pari. Ngunit sa mga ganoong pagkakataon, lagi’t lagi kong nararamdaman ang kamay ng Diyos, na sinasabing isa ako sa nakatakdang Kanyang maging disipulo.

Nang pumasok ako sa semenaryo sa Pampanga, kaming dalawa ng bestfriend ko ay binansagang “Moro” dahil nagmula kami sa Mindanao. Sa semenaryo noong mga panahong iyon,  hindi man lang tumaas sa 95% ang conduct grade ko. Sa sumunod na taon, walang nakapasang may ganoong conduct grade. Hindi ko alam kung ano ang nakita sa ‘kin ng superiors ko. Pagkatapos ng 4th year, naimbitahan akong mag-apply for the novitiate.

Mathematics talaga ang problema ko. Nang ma-introduce ang Modern Math sa college, sinabi ko sa aming Rector na aalis na ako sa semenaryo dahil bagsak ako sa naturang subject. Nagulat ang Rector dahil sa naging modern ang Math. Sinabihan niya ang Dean na tanggalin ang nasabing subject sa curriculum. Ayon sa Rector, ang kailangan ng seminarians ay ang basic Math at hindi ang modern Math. “When did Math become modern?”

Sa pagsisimula ng aking fourth year, sigurado akong babagsak ako sa Physics subject. Ngunit hindi humiwalay sa tabi ko ang Panginoon. Nagpadala siya ng German professor na magha-handle ng nasabing subject. Para sa German professor, mas mahalaga ang proseso kaysa sa tamang sagot. Karamihan sa sagot ko sa aming exams ay mali. Ngunit nakapasa ako dahil ang proseso o steps na ginamit ko para makuha ang maling sagot ay tama. Ikinonsidera niya akong very careless students at pinayuhang pag-aralang mabuti ang multiplication tables.

Nang mamatay ang father ko, nagdesisyon akong iwan ang semenaryo at tulungan ang aking ina sa aming negosyo. Nagkaroon kami ng family gathering. Bawat isa sa amin ay nagkaroon ng pagkakataong makapagbahagi ng mga plano namin. Nang dumating na ang pagkataon kong makapagsalita, sinabi ko sa aking ina na iiwan ko ang semenaryo para tulungan siya sa aming negosyo.

Sinagot niya akong: “Bit, when you entered the seminary, I already crossed out your name in the family roster. We do not need you. But if you are leaving the seminary because you believe you have no vocation, then I would put back your name in the roster.”

Nagsalita na ang Diyos sa katauhan ng aking ina.

The rest is history. Isa na akong pari at Salesian religious sa loob ng fifty years. Sa stage na ito ng aking buhay, binabalikan ko ang basic ng aking Christian life. Para sa akin, ang Christianity ay buhay. At ang buhay ay tungkol sa relasyon. Yumayabong at kumikinang ang relasyon kung ang nasa puso natin ay ang pag-ibig na itinuro sa atin ng ating Panginoon. Pag-ibig ang ating distinguishing mark. Bawat religious symbol na ating isinusuot at bawat religious activity na ating ginagawa ay magiging meaningful at fruitful kung pinangungunahan ito ng pag-ibig. Para sa akin, ang Christian love ay napakagandang naipahayag ni St. Paul sa kanyang unang sulat sa Corinthians, 13:4-7.

Kaya, masasabi kong ang pag-ibig ang siyang buod ng mga ginawa nating maga­gandang bagay sa buhay at mga nagawa natin at gagawin hanggang sa kamatayan.

Ang pagsasabuhay ng kabutihan ang siyang paraan ng pagsagot ko sa pagtawag ni Jesus na maging “holy as our heavenly Father is holy.” Lubos kong ipinagpapasalamat ang pagtawag sa akin ng Panginoon. Makasalanan ako dahil sa hindi mabilang na shortcomings at human weaknesses. Ngunit sa kabila nito, patuloy na ipinakikita ng Panginoon na ako si David, ang Kanyang beloved son.

Lord, thank you for your care, your guidance, and most especially, your great love!

May I continue to live my motto: “Love truly. Live fully!” (Source: ST. JOHN BOSCO TODAY, THE SALESIAN BULLETIN / PHILIPPINES, DECEMBER 2018 – FEBRUARY 2019, VOL. 48, NO. 3)

Comments are closed.